^

Probinsiya

Kumander ng NPA timbog

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines - – Umiskor ang mga operatiba ng pulisya kasunod ng pagkakaaresto sa isang Kumander ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na itinuturing na No.7 most wanted sa Bicol Region sa isinagawang operasyon sa Brgy. Poblacion, Mobo, Masbate kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasakote na si Ronnel Arquillo, 35 anyos, gumagamit ng mga alyas na Ka Hapon/Noli.  Si Arquillo ay isang mataas na opisyal ng Executive Committee ng NPA Bicol Regional Party Committee.

Sa tala si Arquillo ay may patong sa ulong P 800,000 para sa sinumang makapagtuturo sa ika-aresto nito buhay man o patay.

Base sa ulat, sinabi ni Police Regional Office (PRO) 5 Director P/Chief Supt. Victor Deona na ang nasabing opisyal ng mga rebelde ay nasakote sa safehouse nito sa nasabing lugar dakong alas-9:30 ng umaga.

Inaresto si Arquillo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas nina Judge Sanco Dames II ng Regional Trial Court (RTC) Branch 38  at Judge Arnel Dating ng RTC Branch 41; pawang ng Daet, Camarines Norte sa kasong murder at attempted murder.

ARQUILLO

BICOL REGION

BICOL REGIONAL PARTY COMMITTEE

CAMARINES NORTE

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

EXECUTIVE COMMITTEE

JUDGE ARNEL DATING

JUDGE SANCO DAMES

KA HAPON

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with