^

Probinsiya

Magsasaka inutas ng kalabang tribo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 20-anyos na magsasaka matapos itong ratratin ng grupo ng kalalakihan ng mapagkamalan siyang miyembro ng kalabang tribo ng mga katutubong Basao sa Barangay Appas, Tabuk City, Kalinga kamakalawa ng gabi. 
Kinilala ni P/Chief Insp. Bobby Glen Ganipac, hepe ng Tabuk City PNP ang napaslang na si Lacsa Batac ng tribong Lucog sa nasabing lungsod.
 Sinasabing napagkamalan ng grupo ng kalalakihan na pinamumunuan ni Basiyao Calasiyao ang biktima na pumasok sa kanilang teritoryo na may kasamang dalawang magsasaka. Ayon sa ulat, nadatnan ng mga suspek ang biktima na umiihi sa gilid ng kalsada nang pagbabarilin ito. Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang pulisya sa lider ng tribo ng Basao para sumuko ang mga suspek para maiwasan ang pagsiklab ng tribal war.

AYON

BARANGAY APPAS

BASAO

BASIYAO CALASIYAO

BOBBY GLEN GANIPAC

CHIEF INSP

KALINGA

KASALUKUYANG

LACSA BATAC

TABUK CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with