Pulis-QCPD patay sa drug ring
CAVITE , Philippines – Napatay ang beteranong pulis na bagong assign sa QCPD habang sugatan naman ang dalawa nitong kasamang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency matapos tambangan ng mga di-kilalang lalaki na sinasabing drug syndicate sa Bacoor City, Cavite kahapon ng madaÂling araw.
Sa inisyal na ulat na nakarating kay P/Supt. Rommel Estolano, hepe ng Bacoor City PNP, lulan ng Toyota Innova ang biktimang si SPO3 Alejandro Ame habang tatlo nitong kasamang sina PO1 Leonard Sayagadoro, PDEA informer Alvic Martin at si PDEA agent Ramiro de Guzman ay sakay naman sa SUV nang ratratin ng mga armadong grupo na lulan ng motorsiklo at van pagsapit sa kahabaan ng Molino Road sa Barangay Molino 3 sa nasabing lungsod.
Gayon pa man, nagawang makapanlaban ng mga biktima kaya nasugatan ang isa sa grupo ng drug ring pero binitbit ng mga kasama bago nagsitakas.
Sugatan naman sina PO1 Sayagadoro at Martin habang nakaligtas naman si Ramiro na sinasabing nagsasagawa ng surveillance operation.
Samantala, sa pahayag naman ni P/Supt. Norberto Babagay, hepe ng QCPD Station 4, si SPO3 Ame ay itinalaga sa kanyang himpilan noong Mayo 5 mula sa PNP Region 2 subalit hindi pa nagpapakita hanggang sa mapatay ito.
“Ang totoo, in-asign siya sa ‘min mula sa Region 2 thru paper lang, pero mismong siya (SPO3 Ame) ay hindi ko pa nakikita sa opisina,†dagdag pa ni P/Supt. Babagay
“Gusto ko lang malaman nila na, oo nga taga QCPD si SPO3 Ame pero wala kaming alam na may lakad siyang ganoong opeÂrasyon,†paliwanag ni P/Supt. Babagay
Binigyan naman ng isang linggong palugit si SPO3 Ame para ayusin ang assign paper pero nabigo ito kaya inilagay sa absence without leave (AWOL) status. Dagdag ulat ni Ricky Tulipat
- Latest