Retiradong guro inutas ng akyat-bahay
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Napatay ang 75-anyos na retiradong guro makaraang pagtulungang saksakin ay pinagnakawan pa ng mga miyembro ng Akyta-Bahay Gang sa Barangay Singko, bayan ng Vintar, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Jaime Quiocho, hepe ng Vintar PNP ang biktima na si Timoteo Baisa na sinasabing nag-iisa lamang sa kanyang bahay. Ayon kay Quiocho, nadiskubre ang duguang katawan ng biktima sa kanyang kuwarto nang dalhan ng almusal ng kanyang kapatid. Nagkalat ang mga gamit ng biktima sa kanyang kuwarto na sinasabing niransak ng mga akyat-bahay habang patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya.
- Latest