^

Probinsiya

15 bayaning pulis pararangalan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labinlimang bayaning pulis kabilang ang kanilang hepe ang pararangalan ni PNP Chief Director General Alan Purisima matapos na matagumpay na maidepensa ang kanilang himpilan laban sa sumalakay na mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Pres. Roxas, North Cotabato noong Martes (Mayo 20).

Ayon kay P/Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, hepe ng PNP Public Information Office, nangunguna sa mga pararangalan ay si P/Senior Inspector Bernabe Rubio, hepe ng President Roxas PNP.

Kabilang din sa mga ta­tanggap ng award mula kay Purisima ay sina P/Inspector Sherwin Panaguiton, SPO4 Arnold  Nadela, SPO3 Larry Gregorio, SPO2 Isidro Guirhem, SPO1 Marivic  Pedrola, PO3 Julius Dagpin, PO3 Michael Angelo Carino; PO3 Rafael Carbon, PO2 Dennis Soledad, PO1 Raymund Nino Nuevo, PO1 Razel Genzola, P01 Job Franklin Santos, PO1 Johnny “Boy”  Lomotos, at si PO1 Roy Angelo Rasonabe.

Si Rubio na nasugatan sa ulo sa gitna ng bakbakan ay tatanggap ng Medalya ng Sugatang Magiting mula sa Police Regional Office-12.

Ang mga nabanggit na pulis ay pararangalan sa ka­bayahihan at katapangan makaraang sagupain ang mga NPA na sumalakay sa kanilang himpilan na kanilang naitaboy.

Bukod sa parangal ay tatanggap din ng bagong KIA 4x4 troop carrier, assault rifles, mga bala, at pinansyal na suporta ang kanilang himpilan.

 

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CHIEF SUPT

DENNIS SOLEDAD

INSPECTOR SHERWIN PANAGUITON

ISIDRO GUIRHEM

JOB FRANKLIN SANTOS

LARRY GREGORIO

MICHAEL ANGELO

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with