^

Probinsiya

Sanggol minartilyo ng ina, utas

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines - – Binawian agad ng buhay ang pitong araw na gulang na sanggol matapos martilyuhin sa ulo ng kanyang ina na sinasabing may sakit sa pag-iisip sa Barangay Sacrifice Valle, bayan ng Hermosa, Bataan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Chairman Alfonso Cortez ang biktima na si Maria Sofia Dacquel habang naaresto naman ang suspek na si Mary Grace Dacquel, 23, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Nakarinig ng ingay sa loob ng kanilang bahay ang amain ng suspek na si Alberto kaya kaagad siyang bumangon para usisain ang kabilang silid-tulugan na namataang tumatakbong palabas ang kanyang anak.

Bumungad kay Mang Alberto ang duguang apo na naka­handusay sa lapag at basag ang ulo ng sanggol na sinasabing minartilyo ng suspek.

Sa salaysay ni Mang Alberto sa pulisya, ang suspek ay nagkaroon ng problema sa pag-iisip bago mabuntis ng di-kilalang lalaki kung saan dinala ito sa Mariveles Mental Hospital noong 2010 hanggang 2012.

vuukle comment

ALBERTO

BARANGAY SACRIFICE VALLE

BINAWIAN

BUMUNGAD

CHAIRMAN ALFONSO CORTEZ

MANG ALBERTO

MARIA SOFIA DACQUEL

MARIVELES MENTAL HOSPITAL

MARY GRACE DACQUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with