Kilabot na tulak ng droga sa La Union timbog
MANILA, Philippines – Isang hinihinalang tulak ng droga ang nasakote ng mga awtoridad sa lalawigan ng La Union, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Biyernes.
Nakilala ang suspek na si Ceferino Costales, 56, ng Barangay Sagayad, San Fernando City, na miyembro ng Madamme Drug Group.
Nadakip si Costales matapos bentahan ng shabu ang isang undercover agent ng PDEA nitong Mayo 20 sa Barangay Central East sa bayan ng Bauang.
Nabawi mula sa suspek ng dalawang pakete ng shabu, aluminum foil, improvised tooter at P100 ginawang marked money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II ng Republic Act 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest