^

Probinsiya

Drug store nilamon ng apoy

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Tinatayang aabot sa P8 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang malaking drug store chain sa Tuguegarao City, Cagayan  kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Chief Insp. Ruben Verbo, hepe ng Tuguegarao City PNP, nagsimula ang apoy mula sa bodega ng Mercury Drug Store na nasa ground floor ng Hotel Delfino na pag aari ni dating Mayor Delfin Ting. Nasugatan naman dahil sa mga tumalsik na bubog ang anak ng dating alkalde na si Councilor Larry Ting at isang volunteer fireman na si Junior Tumaliuan. Wala namang nasugatan na hotel guest sa nasabing insidente kung saan naapula naman ang apoy dakong alas-2 ng madaling araw matapos ang anim na oras na sunog habang patuloy ang imbestigasyon. 

 

vuukle comment

CHIEF INSP

COUNCILOR LARRY TING

DRUG STORE

HOTEL DELFINO

JUNIOR TUMALIUAN

MAYOR DELFIN TING

NASUGATAN

RUBEN VERBO

TINATAYANG

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with