^

Probinsiya

48 container vans sinunog ng NPA

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - – Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang nawasak makaraang sunugin ng mga rebledeng New People’s Army ang 48 container vans sa compound ng mining company sa Barangay Kimlawis, bayan ng Kiblawan, Davao del Sur kamakalawa.

Ayon kay Colonel Norman Flores, commander ng 1002nd Infantry Brigade, nilusob ng mga rebelde sa pamumuno ni Kumander Joan Casa­murin ang field offices ng Sagittarius Mines Incorporated sa nasabing bayan kung saan dinisarmahan ang mga security personnel ng South Davao Development Corporation Inc.

Gayundin inatake ng isa pang grupo ng NPA rebs ang pribadong mining company na nagsasagawa ng eksplorasyon sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat kung saan tinangay ang mga armas ng security personnel.

Naniniwala naman si Flores na naghihigante ang NPA makaraang masakote ng mga awtoridad ang isang lider na Felix “Ka Jing” Armodia noong nakaraang linggo.

BARANGAY KIMLAWIS

COLONEL NORMAN FLORES

INFANTRY BRIGADE

KA JING

KUMANDER JOAN CASA

NEW PEOPLE

SAGITTARIUS MINES INCORPORATED

SOUTH DAVAO DEVELOPMENT CORPORATION INC

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with