ER Ejercito dadalhin sa Korte Suprema ang laban
MANILA, Philippines — Naniniwala si Laguna Governor Emilio Ramon "ER" Ejercito na malalampasan niya ang pagsubok sa kanyang pagiging opisyal ng gobyerno matapos iutos ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbaba niya sa puwesto dahil sa labis na paggastos noong halalan ng 2013.
Sinabi ni Ejercito na iaapela niya ang desisyon ng Comelec en banc sa Korte Suprema.
“I am prepared to take legal action against the disqualification order of the Comelec once we receive the documents. I will bring this matter to the Supreme Court,†wika ng gobernador.
Kaugnay na balita: Laguna Gov. ER Ejercito pinabababa sa puwesto ng Comelec
Nauna nang ipinadiskwalipika ng Comelec First Division noong Setyembre 2013 si Ejercito at kahapon lamang kinatigan ng en banc ang desisyon.
Naniniwala siyang nasa likod niya ang 550,000 botanteng taga-Laguna na nagluklok sa kanyang puwesto mula noong 2010.
"Lalaban po tayo legally!!! Jesus Christ and (Laguna patron) Our Lady of Guadalupe will protect us Lagunaeños from harm," dagdag ni Ejercito.
Ayon sa imbestigayon ng Comelec, P23.5 milyon ang ginastos ng gobernador kahit hanggang P4.5 milyon lamang ang maaari niyang gamitin.
- Latest