PNP station ni-raid ng NPA: 3 bulagta
NORTH COTABATO, Philippines - Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang habang isa naman ang naaresto matapos sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga alagad ng batas at rebeldeng sumalakay sa himpilan ng pulisya sa bayan ng President Roxas, North Cotabato kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni 57th Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col. Nilo Vinluan ang mga napatay na NPA na sina Ronald “Kumander Revo†Arnado, Alyas Totoy Gamay, at si Ibot Gumay na taga Sitio Buay-Buay Basak, bayan ng Magpet, North Cotabato.
Sugatang nasakote ng mga awtoridad si Orly Gabison na taga- Barangay Amabel sa nasabing bayan.
Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Supt. Danilo PeÂralta, director ng North Cotabato PNP, pasado alas- 3:30 ng madaling araw nang umatake ang mga rebeldeng lulan ng tatlong trak sa nabanggit na himpilan ng pulisya.
Gayon pa man, nakahanda sina P/Senior Inspector Bernabe Rubio, hepe ng President Roxas PNP kung saan nagmaniobra at pinaÂngunahan ang pagsagupa kasama ang 20 pulis laban sa mga umaatakeng rebelde.
Sumiklab ang umaatiÂkabong palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at grupo ng NPA kung saan nakaradyo naman kaagad si Rubio sa tropa ng Army’s 57th Infantry Battalion na mabilis na rumesponde at tumulong sa pagtataboy ng umaataÂkeng mga rebelde.
Sa hiwalay na interbyu kay P/Senior Insp. Jojet Nicolas, spokesperson ng CPPO, sinabi nitong sugatan si Rubio matapos madaplisan ng bala sa ulo na agad dinala sa pinakamalapit na pagamutan habang ligtas naman ang iba pang pulis.
Nabatid na bago ang pag-atake ay nakatanggap ng intelligence report ang North Cotabato PNP na may sasalakaying himpilan ng pulisya ang NPA rebs sa nasabing lalawigan na bagaman hindi binanggit kung alin PNP station ay umalerto si Rubio at mga tauhan nito.
Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang dalawang handheld radio, M16 rifle, mga magazine ng baril, mga bala, apat na cell phone, medical kit, granada, Isuzu forward truck (RLY-371), mga subersibong dokumento, backpacks at ang bangkay ng tatlong rebelde kung saan dalawa ay nakabulagta sa harapan ng town hall at isa naman sa nasabing trak.
“Lahat ng sasakyan ng President Roxas PNP ay winasak, matatagalan pa bago ito makumpuni dahil pati mga makina ng sasakyan ay sirang-sira, pati harap at likuran ng PNP station tadtad din ng mga bala,†dagdag pa ni Peralta.
- Latest