^

Probinsiya

State of calamity sa Cotabato

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines   - Idineklara na ang state of calamity sa buong bayan ng Alamada, North Cotabato makaraang ang cholera outbreak kung saan namatay ang siyam-katao habang aabot naman sa 600 ang naapektuhan noong Biyernes.

Pinakilos na rin ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza ang mga health officials sa nasabing bayan habang patuloy naman ang tulong na ibinibigay ng pamahalaang probinsiya sa mga residenteng naapektuhan.

Ayon kay Municipal Administrator Ruben Cadava pinakahuling namatay sa  cholera si Uga Misig, 51, ng Barangay Dado.

Nabatid na noong nakaraang linggo ay nakitaan si Misig ng sintomas ng cholera pero bumiyahe pa rin ito sa bayan ng Boldon, Maguindanao kung saan siya namatay dahil sa hindi agad naipagamot.

Samantala,  marami pang sitios sa tatlong barangay ang hindi pa ligtas ang tubig na inumin, ayon kay Cadava.

Sinabi rin nito, na bahagyang naapektuhan ang kanilang turismo sa nasabing bayan partikular na ang pamosong Asik-asik Falls.

 

ALAMADA

ASIK

AYON

BARANGAY DADO

BIYERNES

COTABATO GOV

EMMYLOU LALA TALINO MENDOZA

MUNICIPAL ADMINISTRATOR RUBEN CADAVA

NORTH COTABATO

UGA MISIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with