Biyenan dinedo ng manugang
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Pinaniniwalaang paghihiganti ang isa sa motibo kaya binaril at napatay ang 58-anyos na magsasaka ng kanyang manugang na sinasabing lumustay ng malaking halaga kamakalawa sa Barangay Cataracat, baÂyan ng Amulung, Cagayan kamakalawa.
Kinilala ni SPO1 RoÂnald Castillo ang biktima na si Esperdion dela Cruz habang pinaghaÂhanap naman ng pulisya ang suspek na si Nario Tapacion, 36, kapwa naÂkatira sa nasabing bayan.
Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nananghalian ang biktima nang lapitan at barilin sa ulo ng suspek.
Sa salaysay ng mga kaanak ng biktima, sinasabing isinuplong ng biktima sa kanyang anak na asawa ng suspek ang ginagawang paglustay sa pinapadalang pera mula sa trabaho nito bilang domestic helper sa ibang bansa.

Sinasabing nahinto ang sustento ng misis sa suspek kaya nagalit ito sa kanyang biyenan kung saan tinyempuhang kumakain saka isinagawa ang pamamaslang.
- Latest