^

Probinsiya

Inuman niratrat: 1 patay, 3 kritikal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumulagta ang 29-anyos na lalaki habang tatlo naman ang nasa malubhang kalagayan makaraang ratratin ng  dalawang armadong kalalakihan ang grupong nag-iinuman ng alak sa Barangay San Isidro, bayan ng Lianga, Surigao del Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Arniel Tumakay habang isinugod naman sa Lianga District Hospital ang mga sugatang sina Rasonable Dizon, 26; Robert Podot, 24; at si Jerry Pairez, 35, kung saan inilipat sa Adela Serra Ty Memorial Hospital dahil sa maselang kalagayan. Sa ulat ng Surigao del Sur PNP na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaril habang nag-iinuman malapit sa harapan ng tindahan malapit sa barangay gymnasium. Mabilis na nagsitakas patungo sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar.

ADELA SERRA TY MEMORIAL HOSPITAL

ARNIEL TUMAKAY

BARANGAY SAN ISIDRO

BUMULAGTA

CAMP CRAME

JERRY PAIREZ

LIANGA DISTRICT HOSPITAL

RASONABLE DIZON

ROBERT PODOT

SURIGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with