^

Probinsiya

Bombing silat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasilat ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang pagpapasabog ng mga pinaghihinalaang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kasunod ng pagkakarekober  ng isang bomba sa harapan ng municipal hall ng Shariff Aguak, Maguindanao nitong Biyernes ng gabi.

Sa phone interview, sinabi ni Maguindanao Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Rodelio Jocson, pasado alas-8 ng gabi ng marekober ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa lugar.

“The Explosive and Ordnance Disposal (EOD) team disrupted the IED placed in front of Shariff Aguak municipal hall,”  ani Jocson bago pa man sumabog at makasakit ng mga sibilyan ang bomba.

Agad nagresponde ang mga awtoridad na ikinordon ang lugar matapos na makumpirmang isa itong uri ng eksplosibo.

Ayon naman kay Col. Jener­ del Rosario, matagumpay namang nai-detonate ang nasabing bomba na narekober ilang oras matapos na masamsam ng tropa ng pamahalaan ang arms cache ng BIFF at pagkaka­aresto sa isa nitong miyembro sa bayan ng Rajah Buayan­.

 

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

DIRECTOR P

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DISPOSAL

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

MAGUINDANAO PROVINCIAL POLICE OFFICE

RAJAH BUAYAN

RODELIO JOCSON

SHARIFF AGUAK

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with