Lider ng sindikato, itinumba
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Napaslang ang itinuturing na lider ng gun-for-hire syndicate na sinasabing paÂngunahing suspek sa pagpatay sa isang barangay chairman matapos itong tambangan ng mga di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Centro 2, bayan ng Angadanan, Isabela kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Isabela PNP director P/Senior Supt. Sotero Ramos Jr. ang napatay na si Frisco “Piring†Taguba ng Barangay Cumu sa nasabing bayan. Si Taguba na sinasabing bumaril at nakapatay kay Chairman John Cu ng BaÂrangay Marasat sa bayan ng San Mateo noong 2010 ay lulan ng kotse nang ratratin ng grupo ng kalalakihan. Namatay si Taguba habang ginagamot sa Manango Hospital sa kalapit na bayan ng Alicia.
- Latest