^

Probinsiya

Visayan autonomous region isinusulong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong ng iba’t-ibang grupo ang pagbuo ng Visa­yan Autonomous Government (VAG) para lalong mapa­unlad ang ekonomiya at mapalakas ang kapayapaan sa rehiyon.

Ayon kay Pablito Alcover ng Visayas Autonomous Go­vernment Movement (VAGM) at bise presidente ng Workers and Peasants Party (WPP) sa Visayas, maaaring itulad sa Bangsamoro Autonomous Government ng Mindanao ang VAG at maipagsama ang Central Visayas (Region 7), Panay, Negros (Region 6) at Eastern Visayas (Region 8) bilang isang rehiyon.

 â€œAng Kabisayaan ay meron ding rebelyon ng New People’s Army kung saan tinamaan din ng malalaking kalamidad tulad ng bagyong Yolanda at lindol sa Bohol at Cebu noong 2013,” pahayag ni Alcover

Bukod sa VAGM at WPP, ang iba pang grupong suportado ang VAG ay ang League of Barangay Councilmen sa pangunguna ni Ernesto Diores at  Tri-Media Association of the Visayas sa ilalim ni Pol Bulilan.

Ang mga grupo ay nakatakdang magkaroon ng national convention sa Agosto 10 sa Club Filipino, San Juan upang talakayin ang na­sabing isyu.

Kasama rin sa kanilang agenda ang pagsusulong ng presidential candidate mula sa Mindanao sa  2016 eleksyon.

Ayon kay Caraga chairman Victor Carillo, panahon na para magkaroon ng lider ang bansa mula sa Mindanao upang mas maintindihan at matulungan ang rehiyon sa pag-unlad nito.

ANG KABISAYAAN

AUTONOMOUS GOVERNMENT

AYON

BANGSAMORO AUTONOMOUS GOVERNMENT

BARANGAY COUNCILMEN

CENTRAL VISAYAS

CLUB FILIPINO

EASTERN VISAYAS

MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with