^

Probinsiya

CAFGU member tiklo sa pagtutulak ng shabu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Himas rehas ngayon ang isang miyembro ng Citizens Armed Force Geographical Unit (CAFGU) matapos madakip dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Datu Ali Salik Nor, 22, na nakatalaga sa Baka Detachment, 38th Infantry Battalion sa Taviran, Maguindanao.

Hinuli si Nor ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos pagbentahan ng isang pakete ng shabu ang isang undercover agent nitong kamakalawa.

Nakumpiska sa suspek ang isa pang pakete ng shabu na may bigat na limang gramo, kalibre .38 pistol na kargado ng pitong bala.

Samantala, nakatakas naman ang kasamahan ni Nor na si Tuli Bantay Alfonso.

Kapwa miyembro ang dalawa ng Bua Drug Group na nakabase sa Maguindanao.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165 o  ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kakasuhan din si Nor ng illegal possession of firearms.

vuukle comment

BAKA DETACHMENT

CITIZENS ARMED FORCE GEOGRAPHICAL UNIT

DATU ALI SALIK NOR

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG GROUP

DRUGS ACT

INFANTRY BATTALION

MAGUINDANAO

REPUBLIC ACT

TULI BANTAY ALFONSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with