Holdaper tumba sa shootout
MANILA, Philippines - Napaslang ang isa sa miyembro ng Boneknek robbery/holdup gang habang sugatan naman ang hepe ng intelligence unit ng pulisya sa naganap na shootout sa Calamba City, Laguna kahapon ng madaling araw. Sa phone interview, sinabi ni P/Supt. Marvin Joe Saro, hepe ng Calamba City PNP bandang alas-12:30 ng madaling araw nang makasagupa ng pulisya ang Boneknek Gang sa kahabaan ng General Lim Street sa Barangay 5. Sa kasagsagan ng bakbakan ay nagtamo ng apat na tama ng bala sa kanang hita at tuhod si P/Senior Insp. Roger Sarreal na isinugod naman sa Calamba City Medical Center Hospital. Isa naman sa limang holdaper ang napaslang kung saan bineberipika pa ang pagkakakilanlan habang narekober sa encounter site ang isang cal. 38 revolver.
- Latest