^

Probinsiya

Bagong laya itinumba

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang 26-anyos na bagong laya mula sa provincial jail matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa panulukan ng Doña Aurora Street at Maria Clara Street, Barangay Poblacion, bayan ng Kabacan sa North Cotabato kamakalawa ng gabi. Walong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Turo Bildik ng Purok Krislam sa nasabing bayan. Nabatid na ang biktima ay bagong laya mula sa provincial jail ng Kidapawan City dahil sa kasong illegal na droga. Sa police report na nakarating kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP, sinundan ng gunman na lulan ng motorsiklo ang biktima saka niratrat. Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya kung may kaugnayan sa bentahan ng bawal na droga ang naganap na pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

AURORA STREET

BARANGAY POBLACION

JORDINE MARIBOJO

KABACAN

KIDAPAWAN CITY

MARIA CLARA STREET

NABATID

NORTH COTABATO

PUROK KRISLAM

TURO BILDIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with