Sanggol agaw-buhay sa suntok ng tatay
MANILA, Philippines - Dahilan lamang sa piÂnigilan sa pag-inom ng alak, agaw-buhay ngayon ang 3-buwang gulang na sanggol na babae matapos itong suntukin sa ulo ng kanyang tatay na senglot sa Barangay Poctoy, Surigao City, Surigao del Norte kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Caraga PNP spokeman na si P/Supt. Martin Gamba, nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na si Allan Borata kritikal naman ang kanyang anak na si Alle Mae Borata na nagtamo ng sugat at malaking bukol sa ulo.
Sugatan din isinugod sa Caraga District Hospital ang lolo ng sanggol na si Rogelio Menesis na sinaksak ng suspek nang tangkaing pigilan ang insidente.
Sa ulat ng Surigao City PNP, bandang alas-7 ng gabi nang sunduin ni Remedios Borata ang kanyang mister na nakikipag-inuman sa kanilang barangay.
Gayon pa man, nagalit ang suspek kung saan sumiklab ang pagtatalo ng mag-asawa na nauwi sa panununtok pero sa halip na si Remedios ang tamaan ay ang sanggol na karga nito ang tinamaan ng malakas na bigwas sa ulo.
Nasakote naman ng operatiba ng pulisya ang suspek na ngayon ay humihimas ng rehas na bakal.
- Latest