Misis gulpi-sarado kay mister
CAVITE , Philippines – Gulpi-sarado ang inabot ng 34-anyos na misis sa kanyang mister matapos basahin nito ang mga text messages na sinasabing may kinalolokohang babae sa Barangay Pantihan 4, bayan ng Maragondon, Cavite kamakalawa. Pormal na nagreklamo sa pulisya ang biktimang guro na si Eva Bartolome habang naaresto naman ang suspek na si Loreto Bartolome, 34, jobless at kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ni P01 Jennilyn Contrano, naaktuhan ng suspek ang kanyang misis na binabasa ang mga test messages sa kanyang cellphone na sinasabing may ka-text na ibang babae. Gayon pa man, sumiklab ang galit ng suspek kaya ginulpi ang kanyang misis na nasaksihan naman ng ilang kapitbahay.
- Latest