^

Probinsiya

Eroplano nag-crash: 4 patay

Victor Martin at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

NUEVA VIZCAYA , Philippines   â€“ Apat-katao ang iniulat na namatay makaraang bumagsak ang eroplanong nagsasagawa ng cloud seeding malapit sa Bagabag airstrip sa Barangay Sta. Lucia, bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya kahapon.

Sa sketchy report ng pulisya na nakalap kay P/Chief Insp. Chevalier Iri­ngan, hepe ng Bagabag PNP, naganap ang insidente bandang alas-2:30 ng hapon.

Kabilang sa mga namatay ay sina Leilani Naga y Grageda, Philip Jubane, piloto; Christopher Evan Borja, at si Melvin C. Simangan na pawang  taga-Bureau of Soil Water Management ng Department of Agriculture

Sa inisyal na ulat ni Leonardo Afan ng CAAP Bagabag ang Baron fixed wing light plane na nagmula sa Cauayan City Airport ay inarkila ng SN Aboitiz para magsagawa ng seeding operation malapit sa watershed area ng Isabela-Ifugao provinces nang maganap ang trahedya.

Nabatid na nasa kritikal level na ang tubig ng Magat dam reservoir

Gayon pa man, pinilit ng piloto na mag-landing suba­lit naganap ang trahedya malapit sa Bagabag airstrip.

Patuloy naman ang imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing eroplano.

 

BAGABAG

BARANGAY STA

BUREAU OF SOIL WATER MANAGEMENT

CAUAYAN CITY AIRPORT

CHEVALIER IRI

CHIEF INSP

CHRISTOPHER EVAN BORJA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

LEILANI NAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with