Bus swak sa bangin: Babae utas, 42 sugatan
MANILA, Philippines - Patay ang isang babae matapos mabangga ng pampasaherong bus habang nagÂlalakad bago tuluÂyang bumulusok sa bangin ang sasakyan kung saan aabot sa 42 pasahero ang nasugatan sa bulubunduking highway ng Barangay New Cabalan, Olongapo City, noong Lunes ng hapon.
Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Raul Petrasanta, director ng PNP regional office 3, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng babaeng pedestrian.
Sa kabuuang 42 nasugatan, 41 ang pasahero at isa naman ang konduktor ng bus na isinugod sa James L. Gordon General Medical Center.
Base sa imbestigasyon, naawalan ng preno ang Victory Bus (CWX 666) na minamaneho ni Alan Bustos, 42, ng Lubao, Pampanga pagsapit sa matarik na highway ng Purok 1 Libas sa nasabing barangay.
Tuluy-tuloy na binangga ng bus ang babae bago suÂmalpok sa riprap at barandilÂya sa tabi ng highway hanggang sa mahulog sa bangin.
Agad namang sumaklolo ang rescue team at isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.
Samantala, 30-araw na suspensyon ang ipinataw ng Land Transportaion Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa 42 yunit ng Victory Liner na may rutang Sta. Cruz, Zambales-Manila. Joy Cantos, Alex Galang with trainees Karen Ballon at Ronalyn Llobit
- Latest