^

Probinsiya

4 katao nalunod sa Biyernes Santo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, LUCENA CITY, Philippines - Nagdulot ng kamalasan ang Biyernes Santo makaraang malunod ang apat katao sa karagatan sa magkakahiwalay na insidente sa  beach resort sa lalawigan ng Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ni Sr. Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP Provincial Director, kinilala ang mga nasawi na sina Mark Maravillas, 23 ng GMA Cavite at Christopher Javier, 17 ng Brgy. Manggalang, Sariaya, Quezon, Joan James Sombey, 6, ng Pasig City, at Jeffrey Borreo, 16, ng Infanta, Quezon.

Ayon sa imbestigasyon, sina Maravillas at Javier ay nag-outing sa beach resort sa Sariaya,Quezon nang tangayin ang una ng ma­lakas na alon at tinangkang sagipin ng huli subalit ma­ging siya ay nalunod.

Dakong alas-11:30 naman ng umaga ng ma­ka­ligtaan ng kanyang mga kaanak ang batang si Sombey habang naliligo sa beach resort sa Real, Quezon hanggang sa matagpuan na lamang itong nakalutang at wala ng buhay.

Samantalang, pinulikat naman umano si Borreo hanggang sa malunod at mamatay ayon sa kanyang kaibigang nakaligtas na si Rebante Mercado, 18 habang sila ay naliligo sa beach resort ng Infanta, Quezon dakong alas-5:30 ng hapon. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang naturang mga trahedya ng Biyernes Santo.

 

BIYERNES SANTO

CHRISTOPHER JAVIER

JEFFREY BORREO

JOAN JAMES SOMBEY

MARK MARAVILLAS

PASIG CITY

PROVINCIAL DIRECTOR

QUEZON

REBANTE MERCADO

RONALDO GENARO YLAGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with