‘Drug pusher’ itinumba
BULACAN , Philippines – Pinabulagta ang 41-anyos na lalaki na sinasabing notoryus na tulak ng droga matapos itong ratratin at iwan sa loob ng sasakyan kamakalawa ng umaga sa Barangay Liciada, bayan ng Bustos, Bulacan. Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Manuel “Jun Manse†Bermejo Jr. ng Barangay Bañga sa bayan ng Plaridel. Ayon kay PO2 Jim Glen Cruz, nadiskubre ang bangkay ng biktima sa kotse (MED-902) na nakaparada sa madilim na bahagi kalsada sa Barangay Liciada. Pinaniniwalaang onsehan sa bentahan ng bawal na droga ang isa sa motibo sa naganap na pamamaslang.
- Latest