^

Probinsiya

Bus vs truck: 3 utas, 25 grabe

Tony Sandoval at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines  â€“ Tatlo-katao ang kumpimadong namatay habang 25 iba pa ang malubhang nasugatan matapos na magbanggaan ang pampasaherong bus at dump truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Lalig, bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga namatay na sina Remedios Montano Sangrones, 65; Alyssa Rosanne Singayan, kapwa nakatira sa Las Piñas City habang namatay naman sa Peter Paul Hospital sa bayan ng Candelaria, Quezon si Eden Sangrones, 37, ng Las Piñas City. 

Kabilang naman sa nasu­gatan ay ang driver ng bus na si Jovanne Empesta at kondoktor nitong si Emerald Barbas.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Laudemer Llaneta, hepe ng Tiaong PNP, binabagtas ng JAM Bus Liner (TWZ-661) na minamaneho ni Jovanne Empesta ang kahabaan ng Maharlika Highway patungo sa Lucena City nang banggain ito sa kaliwang unahan ng Hyundai dump truck (UHK-965) ni Arwin Manalo ng Sariaya, Quezon.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nawalan ng kontrol sa manibela si Empesta at tuluyang bumaliktad ang bus kung saan makailang ulit na sumirko sa layong 40-metro kaya naipit at  na-trap ang lahat ng pasahero nito.

ALYSSA ROSANNE SINGAYAN

ARWIN MANALO

BARANGAY LALIG

BUS LINER

EDEN SANGRONES

JOVANNE EMPESTA

LAS PI

MAHARLIKA HIGHWAY

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with