^

Probinsiya

Tsino, 2 pa dakma sa shabu lab

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kalaboso ang tatlong sibilyan kabilang na ang isang Tsino makaraang masakote ng mga awtoridad sa itinayong shabu laboratory sa Barangay Tinago, bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina William Ong, 51, Tsino;Tony Locsin, 67; at si Benjamin Llaguna, 65, pawang nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay P/Chief Supt. Victor P. Deona, ang pag-aresto sa mga suspek ay base sa search warrant na inisyu ni Judge Manuel L. Sese ng Masbate City Regional Trial Court Branch 45. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na ginawang front ng mga suspek ang kompanya at bodega ng minahan para hindi mahalata ang shabu lab subalit nadiskubre rin ng mga awtoridad. Nasamsam sa mga suspek ang 95 iba’t ibang uri ng kemikal, mga gamit sa paggawa ng shabu at iba pang paraphernalia.

 

BARANGAY TINAGO

BENJAMIN LLAGUNA

CHIEF SUPT

JUDGE MANUEL L

MASBATE CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

TONY LOCSIN

TSINO

VICTOR P

WILLIAM ONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with