^

Probinsiya

Tsinoy trader itinumba ng riding-in-tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Filipino-Chinese ang nasawi makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem ng mga armadong salarin sa naganap na pananambang sa highway ng Brgy. Dipole, Molave, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Eddie Go, 56 anyos, may­asawa, dead-on-the-spot sa Blancia Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, sinabi ni Sr. Inspector Joseph Ortega, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente sa kahabaan ng highway ng Brgy. Dipole, Molave ng lalawigan bandang alas-2 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklo galing sa kaniyang tahanan patungong Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur ng sundan ng riding in tandem at pagbabarilin. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng krimen.

 

AYON

BLANCIA HOSPITAL

BRGY

EDDIE GO

FILIPINO-CHINESE

INAALAM

POLICE REGIONAL OFFICE

RAMON MAGSAYSAY

SR. INSPECTOR JOSEPH ORTEGA

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with