‘Earth Hour’ sabayan ng pagrorosaryo
MANILA, Philippines – Suportado ng mga opisyal ng Simbahang Katolika ang “Earth Hour†na gagawin bukas kung saan hinihimok ang buong mundo na patayin ang lahat ng dekuryenteng kagamitan sa loob ng isang oras para sa kalikasan.
Sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na magsasagawa sila ng pag-aayuno sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasabay ng Earth Hour.
"Inaanyayahan at hinihimok ko po kayo na makibahagi sa Earth Hour sa darating na Sabado ika-29 ng Marso. Mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi patayin po natin ang mga gamit nating de kuryente. Pagpahingahin natin ang kalikasan, mag-ayuno tayo sa pagkonsumo nang tumagal pa ang yaman ng nilikha ng Diyos," wika ni Cardinal Tagle sa kanyang panayam sa Radyo Veritas ngayong Biyernes.
Gagawin ang pagdarasal bukas sa buong bansa partikular sa Archdiocese of Palo, Diocese of Borongan, Diocese of Antique, Diocese of Kalibo, Archdiocese of Capiz, Archdiocese of Iloillo, Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan, Diocese of Tagbilaran, at Archdiocese of Zamboanga.
Samantala, hinimok naman ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo ang lahat na magsindi ng kandila habang sila ay nagdarasal kasabay ng naturang gawain.
"I ask you please to light candles and place them in your windows so that this will show to your neighbors that there is a important obligation for us to protect our environment. During that time one can pray together as a family so that our environment will be protected even more."
- Latest