^

Probinsiya

48 NPA rebs sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumanas ng panibagong dagok ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos magsisuko sa tropa ng pamahalaan ng 48 nitong kadre sa bayan ang Maramag, Bukidnon, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni Philippine Army Spokesman Lt. Col. Noel Detoyato, mga rebeldeng mula NPA’s Guerilla Front 6 sa North Central Mindanao Regional Committee ang mga sumuko.

Una ng napilayan ang liderato ng CPP-NPA sa pagkakaaresto ng mag-asawang mataas na lider na sina Benito at Wilma Tiamzon sa Cebu noong Marso 22.

Ayon sa opisyal, ilang araw matapos na masakote ang mag-asawang Tiamzon ay nagdesisyong sumuko sa tropa ng militar ang unang batch ng mga rebelde na nasa  43 ang bilang sa Bukidnon.

Kasabay nito ay boluntaryo ring isinuko ang kanilang  36 armas na kinabibilangan ng M14 rifles, M16 rifles, Garand rifles, cal.45 pistol at home-made shotgun.

Maliban sa 43 rebeldeng sumuko, lima pang rebelde ang pinakabagong sumuko sa lugar kamakalawa.

Sa kasalukuyan ay uma­abot na sa 48 rebelde ang isinailalim sa kustodya ng Army’s 8th Infantry Battalion­ sa South Poblacion, Maramag.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng opisyal na magpapatuloy ang ang ope­rasyon para madakip ang mga rebelde habang nananawagan  din ito na magsibaba na sa kabundukan at sumuko sa batas.

BUKIDNON

GUERILLA FRONT

INFANTRY BATTALION

MARAMAG

NEW PEOPLE

NOEL DETOYATO

NORTH CENTRAL MINDANAO REGIONAL COMMITTEE

PHILIPPINE ARMY SPOKESMAN LT

SOUTH POBLACION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with