^

Probinsiya

Lider ng militante, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Pinabulagta ang 43-anyos na lider ng militanteng Cordillera Human Rights Alliance matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa kahabaan ng highway sa Barangay Bolog, bayan ng Kiangan, Ifugao noong Martes ng gabi. 
 Tatlong tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni William Bugati, kawani rin sa Ifugao Research and Development Center.


Ayon kay Ifugao PNP Director P/Senior Supt. John Colinio, naisugod pa sa Pa­nop­dopan District Hospital sa Kiangan ang biktima subalit namatay din habang ginagamot.

Sa police report, lumilitaw na pauwi na sa bayan ng Lamut ang biktimang lulan ng motorsiklo nang ratratin

Nabatid nabago maganap ang pamamaslang ay dumalo pa ang biktima sa  pagdinig sa kaso ng kanyang mga kasamahan na isinasangkot sa pananambang sa mga sundalo ng Phil. Army sa bayan ng Tinoc, Ifugao noong 2012.


vuukle comment

BARANGAY BOLOG

CORDILLERA HUMAN RIGHTS ALLIANCE

DIRECTOR P

DISTRICT HOSPITAL

IFUGAO

IFUGAO RESEARCH AND DEVELOPMENT CENTER

JOHN COLINIO

KIANGAN

SENIOR SUPT

WILLIAM BUGATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with