Binata inutas dahil sa nobya
CAVITE , Philippines - Napaslang ang 23-anyos na binata na sinasabing sinundo lamang ang kanyang nobya sa pakikipag-inuman matapos itong pagtulungang saksakin ng apat na senglot sa Barangay Tejero, bayan ng General Trias, Cavite. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Maemart Camantigue ng #155 Barangay Pasong Camachile sa nasabing bayan. Samantala, nasakote naman ang dalawa sa apat na suspek na sina Marco Avendano at Harvey Serrano habang pinaghahanap ang dalawa pa nitong kasama na sina Khenell Torres at Rjay Roxas na kapwa nakatira sa Barangay Pasong Camachile 2. Ayon kay P01 Micah Barbuco, lumilitaw na sinundo ng biktima ang kanyang nobya sa pakikipag-inuman sa mga suspek. Subalit nagalit ang isa sa apat kaya naganap ang pananaksak gamit ang basag na bote ng alak.
- Latest