^

Probinsiya

14 dayuhan, 7 Pinoy nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawampu’t isa katao kabilang ang 14 dayuhan ang nasagip ng search and rescue team makaraang aksidenteng magkaaberya ang sinasakyan ng mga itong bangka sa gitna ng masungit na panahon sa Cauayan, Negros Occidental nitong Biyernes ng hatinggabi.

Sa ulat na tinanggap ni Office of Civil Defense (OCD) Region 6 Director Rosario Cabrera mula kay Lt. Commander Dominador Senador, Commander ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Iloilo, wala namang nasaktan sa mga nasagip na lulan ng bangka.

“The said motorbanca was used in diving adventures, was enroute from San Jose, Antique to Oslob, Cebu when it sustaind damaged on the starboard outriggers”, pahayag ng opisyal kung saan ang nasabing mga dayuhang turista ay pawang mga divers.

Ayon sa opisyal, kabilang sa mga nasagip na dayuhan ay mga French, Swiss , German at Spanish na dumating sa Iloilo City dakong alas-6:40 ng umaga noong Sabado.

Samantalang ang 7 Pinoy ay mga tripulante ng nagkaaberyang  M/B Ona na nasiraan ng katig sanhi ng malakas na hangin at alon may 8 milya sa Sojoton Point sa Cauyan.Agad namang nagsagawa ng rescue operation ang PCG lulan ng rescue ship MCS 3006 at natagpuan bandang alas-3:30 ng madaling araw nitong Sabado ang nasiraang bangka at nasagip ang 21 katao na nasa maayos ng kondisyon.

B ONA

COMMANDER DOMINADOR SENADOR

DIRECTOR ROSARIO CABRERA

ILOILO CITY

NEGROS OCCIDENTAL

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PHILIPPINE COAST GUARD

SABADO

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with