^

Probinsiya

Sekretarya ng bise alkalde utas sa sekyu

Raymud Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Karumaldumal ang sinapit na kamatayan ng isang sekretarya ng bise alkalde matapos itong brutal na paslangin ng isang pinaniniwalaang adik na sekyu sa Currimao, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni Sr. Insp Ryan Retotar, hepe ng Currimao Police ang biktima na si Nancy Cacayorin, sekretarya ni Vice Mayor Rosario Go ng Currimao samantalang ang suspek ay ang sekyu nito na si Jose Ragodo na tubong bayan ng Sta. Catalina at tatlong taon nang naninil­bihan sa mga Go. Luma­labas sa imbestigasyon na mayroon nang hidwaan ang biktima at suspek nang iniwan ng Vice Mayor ang dalawa upang magpunta ng Maynila. Sinabi ni Retotar sa PSN na lingid sa biktima ang masamang balak ng suspek na kanyang ipinagkanulo sa kanilang amo ang pagiging adik nito sa shabu.
Ayon sa report, nasaksihan ng dalawa nilang kasamahang empleyado ang ginawang pagkatay kay Cacayorin na namatay sa maraming tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kusa naman sumuko sa mga nagrespondeng pulis ang suspect matapos ang krimen.

 

vuukle comment

AYON

CURRIMAO

CURRIMAO POLICE

ILOCOS NORTE

JOSE RAGODO

NANCY CACAYORIN

SR. INSP RYAN RETOTAR

VICE MAYOR

VICE MAYOR ROSARIO GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with