Funeral processions bawal sa Angeles City
PAMPANGA, Philippines - – Inanunsyo kahapon ni Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan ang bagong ordinansa na nagbabawal sa mga naÂmatayan ang walking funeral sa mga pangunahing kalsada patungong sementeryo.
Sa inaprobahang ordiÂnansa ng konseho na pinaÂngunahan ni Councilor Amos Rivera, chairman ng transportation committee, ang bagong kautusan ay epektibo kahapon.
“We sympathize with bereaved families, but it wouldn’t help if other motorist stalled in traffic curse instead of pray for the dead’ paliwanag ni Rivera
Ayon pa kay Rivera, papayagan lamang sa mga pangunahing kalsada ang mga may sasakyan para hindi makaabala sa trapiko.
Sakaling magpumilit ang mga namatayan ay maaaring gamitin ang minor roads patungong sementeryo, dagdag pa ni Rivera
Nakipag-ugnayan na ang komite ni Rivera sa lokal na sangay ng Department of Sicial Welfare and Development (DSWD) para sa libreng transporation sa mga maralitang pamilya na namatayan.
Kasunod nito, aprobado na rin ang bagong ordinansa mga operator ng trasyikel na mag-post sa kani-kanilang sasakyan kaugnay sa fixed rates na pamasahe na nag-aatas sa kanilang minimum na P25 kada kilometro per trip kung saan kahit na ilan ang sakay nito. “this will stop the exploitation of our tourist who are charged incredible rates by some tricycle driversÂ,†pahayag pa ni Rivera
Sinumang drayber na lalabag sa bagong ordinansa ay papatawan ng P1,000 multa. The Phil. Star News Service
- Latest