Guro sinunog ang sarili
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines - Nalitson ang 44- anyos na day care teacher na may matinding problema sa sarili matapos sunugin ang sarili sa ilalim ng bunton ng mga dayami sa tabi ng kanilang bahay sa Barangay Tabucbuc, bayan ng Marcos, Ilocos Norte kamakaÂlawa. 
Kinilala ni P/Senior Insp. Dexter Corpuz, hepe ng Marcos PNP ang biktima na si Aileen Gacula Romero.
 Ayon sa mister ng biktima na si Felix Romero, matagal nang inirereklamo ng kanyang misis ang hirap nito sa pagtulog ngunit hindi niya inaasahang mauuwi ang problema sa pagpapatiwakal.
 Natagpuan na lamang ng mga kaanak na nasusunog ang biktima sa ilalim dakong alas-12 ng tanghali.
 Nabatid sa ulat na nag-iwan ng suicide note ang biktima na nagsaÂsaad ng pagnanais niyang wakasan ang nararanasang pagkakatuliro sa sarili.
- Latest