Utol ng reporter, nagbigti
CAVITE , Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang kapatid na lalaki ng tabloid reporter na sinasabing may matinding problema sa pamilya matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Salcedo, bayan ng Noveleta, Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Bernie Virata, may asawa, kapatid ng tabloid reporter na si Amor Virata kung saan tumatayo ring publisher ng lingguhang pahayagan. Sa imbestigasyon ni P03 Allen Padilla, lumilitaw na may matinding problema ang biktima kung saan sinasabing kalimitang nawawala ito sa sarili. Ayon pa sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-usap sa kanayng utol na reporter bago isagawa ang pagpapakamatay. Wala namang iniwang suicide note ang biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest