Mt. Banahaw nilamon ng apoy
MANILA, Philippines - Umaabot sa 50-ektaryang lupain ng pamosong Mount Banahaw ang nilamon ng apoy kung saan umpisa pa noong Miyerkules ng gabi sa bayan ng Sariaya, Quezon, ayon sa opisyal kahapon.
Sa ulat na ipinarating kahapon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ni Dr. Henry Buzar, hepe ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction Center, ang sunog ay malapit sa tuktok ng Mount Banahaw na nag-umpisa dakong alas-6 ng gabi.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng beripikasÂyon kung may mga mountaineers na na-trap sa Mt. Banahaw habang patuloy itong nilalamon ng apoy hanggang kahapon.
Ayon kay Buzar, may grupo ng sekta ng relihiyon na umakyat sa nasabing bundok ang nakaiwan umano ng sinindihang kandila na pinaniniwalaang pinagmulan ng apoy.
Ang sunog ay mabilis na kumalat sa liblib na bahagi ng Sitio Durungawan 1 kung saan matatanaw mula rito ang 1,900 talampakang taas ng aktibong bulkan.
“Hindi pa natin alam kung nakababa na ang grupo. InaÂalam pa natin kung nasaan ang grupong ito,†pahayag ni Buzar.
Kaugnay nito, nagpadala na ng mga firetrucks ang lokal na pamahalaan patungo sa kinaroroonan ng 100 kabahayan sa ibaba ng bundok upang maagapan sakaling umabot ang sunog.
Sinabi pa ng opisyal na may 10-taon ng hindi pinaakyatan ang nasabing bundok upang maipreserba ang kalikasan nito pero may mga tao o grupong pumupuslit at nagka-camping dito.
Samantala, nagpadala na rin ang Philippine Air Force (PAF) ng tatlong chopper na may dalang tubig upang tumulong sa pag-apula ng apoy.
Noong Martes, nasunog ang katabi nitong bundok na San Cristobal bandang alas-4 ng hapon kung saan ang grassfire ay dulot ng mga iresponsableng honey bee collectors na napabayaan ang kanilang ginawang siga na pantaboy sa mga bubuyog.
- Latest