Baliw nag-amok: 6 kinatay
MANILA, Philippines - ANIM-katao ang napatay matapos na pagtatagain ng mister na pinaniniwalaang sinumpong ng pagkabaliw sa naganap na masaker sa Sitio Sanitalan, Barangay Labangon sa bayan ng DuÂmingag, Zamboanga del Sur kamakalawa.
Kinilala ang mga napatay na sina Merlita Emoc, 27; Junrey Emoc, 7; Merlyn Emoc, 4; Nak-Nak Emoc, 2; ang mag-asawang Samuel Anligis, 57; Presciosa Anligis, 59; at ang mister na sinasabing baliw na si Renie Arnatis.
Isinugod naman sa pagaÂmutan si Lito Anligis, 29, na pinagtataga rin ni Arnatis.
Sa imbestigasyon, lumilitaw na nag-aalmusal ang pamilya Enoc sa kanilang bahay nang pasukin at pagtatagain ng nag-aamok na si Arnatis.
Hindi pa nakuntento ay sumunod namang pinasok ni Arnatis ang bahay ng mag-asawang Anligis kung saan pinagtataga hanggang sa mapatay.
Sinugod din ni Arnatis ang anak ng mag-asawa na si Lito pero kahit sugatan ay nagawa nitong maagaw ang itak at sa matinding galit ay pinagtataga ang mister na baliw hanggang sa mapatay.
- Latest