^

Probinsiya

7 tiklo sa human trafficking

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pito-katao ang dinakma matapos salakayin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang isang gusali na sinasabing may operasyon sa expanded anti-trafficking sa bayan ng Lingayen Pangasinan.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Renato Pinlac ng San Carlos Regional trial Court Branch 57 sa Pangasinan inaresto ang mga suspek na sina Takayuki Umeda, 42; Jyunko Natori, 42; Masahiro Kishigami, 26; mga Hapones; Rafael Tandoc, 25; Josephine Gille, 34; Leo­    nora Ceralde, 38; at si Erlinda Tandoc, 40. 

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Benjamin Ma­galong, hepe ng CIDG, sina­lakay ang The Kame Hachi Corporation sa Avenida Street, Rizal West, sa nasabing bayan.

Pinangunahan nina P/Supt. John Goyguyon, hepe ng CIDG-Anti Transnational Crime Division (CIDG-ATCD) at Presidential Anti-Organized Crime Commission P/Insp. Jessie Bulan; at ng Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang pagsalakay sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, hinihikayat ng mga suspek ang mga dayuhan na magpunta sa bansa at magsisilbing tour guide ang mga ito kung saan magaganap ang prostitusyon.

Nasamsam ang mga gamit tulad ng laptop, computers, CCTV cellphones, sasakyan at iba pa.

Wala namang maipakitang kaukulang dokumento ang mga suspek para sa kanilang operasyon.

ANTI TRANSNATIONAL CRIME DIVISION

AVENIDA STREET

BENJAMIN MA

CHIEF SUPT

COURT BRANCH

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ERLINDA TANDOC

INTER AGENCY COUNCIL AGAINST TRAFFICKING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with