^

Probinsiya

Bayaw ng vice mayor inutas dahil sa pasahe

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

CEBU , Philippines  â€“ Napaslang ang bayaw ng vice mayor sa bayan ng Asturias makaraang bigtihin ng driver ng motorsiklo dahil sa pagtangging magbayad ng pasahe noong Biyernes ng umaga sa Sitio Makalolooy, Barangay Owak sa nasabing bayan.

Kinilala ang biktima na si Rustico Flores, asawa ng utol ni Vice Mayor Joel Dumdum at nakatira sa Sitio Lapu-Lapu, Barangay Poblacion.

Ang bangkay ni Flores ay natagpuan sa mangrove area may apat na kilometro ang layo sa bahay ng biktima.

Samantala, ilang oras matapos ang krimen ay itinuro ng ilang testigo ang nasakoteng suspek na si Samuel Marfega, 34, ng Sitio Combado, Barangay Cantuod, bayan ng Balamban.

Ayon kay SPO1 John Philip Acaso, ang pagkakadakip sa suspek na sinasa­bing huling namataang kasama ang biktima ay natunton matapos marekober ang susi ng motorsiklo at cellphone nito sa crime scene.

Nabatid na nagpahatid si Flores kay Marfega mula bayan ng Balamban patu­ngong bayan ng Asturias sa kasunduang magbabayad ito ng P200.

Bukod sa napagkasunduang babayaran ay inimbitahan pa ng biktima ang suspek na makipag-inuman sa tindahan malapit sa Poblacion Sports Center.

Kinabukasan, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakabitin kaya isinagawa ang malawakang manhunt operation laban sa suspek kung saan nasakote naman sa Barangay Nangka sa bayan ng Balamban.

Gayon pa man, inamin ng suspek ang krimen dahil nairita ito sa biktima dahil hindi tumupad sa kanilang kasunduan kung saan sinampal pa siya.

 

vuukle comment

ASTURIAS

BALAMBAN

BARANGAY CANTUOD

BARANGAY NANGKA

BARANGAY OWAK

BARANGAY POBLACION

JOHN PHILIP ACASO

POBLACION SPORTS CENTER

RUSTICO FLORES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with