^

Probinsiya

Trak bumaliktad: 31 PNP-SAF sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlumput-isang miyembro ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF)  ang nasugatan makaraang bumaliktad ang sinasakyang truck sa kahabaan ng national highway sa Poblacion, bayan ng Kiamba, Saranggani kahapon ng madaling araw.

Ayon kay P/Supt. Jomar Alexis Yap, deputy director ng Sarangani PNP Office, bandang alas-2:50 ng madaling araw habang lulan ng puting Mitsubishi  Elf truck (SFV 497) ang 36 SAF personnel ng maganap ang sakuna.

Ang truck na minamaneho ni PO3 Clemente Daligdig na patungong Palimbang nang maaksidente ito habang bumabagtas sa pakurbadang daan.

Nabatid na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck na nagpagiwang-giwang hanggang sa tuluyang bumaliktad.

Sa 16 na nasugatan ay isinugod sa Kiamba Hospital, 12 naman sa Mindanao Medical Center at tatlo sa Tiburcio Hospital na pawang sa Sarangani at General Santos City.

Samantala, hindi nasugatan ang lima sa mga elite forces ng PNP.

 

vuukle comment

AYON

CLEMENTE DALIGDIG

GENERAL SANTOS CITY

JOMAR ALEXIS YAP

KIAMBA

KIAMBA HOSPITAL

MINDANAO MEDICAL CENTER

SARANGANI

SPECIAL ACTION FORCE

TIBURCIO HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with