2 sundalo utas sa landmine attack
MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang bumulagta habang tatlo naman ang nasugatan makaraang sumabog ang patibong na landmine ng mga rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Magpet, North Cotabato kahapon ng umaga.
Ayon kay Army’s 10th Infantry Division spokesman Captain Ernest Carolina, naganap ang insidente sa Sitio Timodos, Barangay Mabisa.
Natunton ng tropa ng 12th Special Ranger Regiment ang pulutong ng mga rebelde na sangkot sa landmine attack sa Matanao, Davao del Sur kung saan namatay ang 12 katao kabilang ang pitong sundalo at tatlong pulis noong Marso 10.
Dito na sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng magÂkabilang panig.
Gayon pa man, habang nagmamaniobra ang mga sundalo ay biglang sumabog ang landmine ng mga rebelde kung saan dalawang sundalo ang namatay.
Tumagal ng mahigit isang oras ang sagupaan bago nagsitakas ang mga rebelde.
Patuloy naman ang hot pursuit operations laban sa grupo ng mga rebelde na sangkot sa serye ng paghahasik ng terorismo.
- Latest