Iloilo drug den owner timbog
MANILA, Philippines – Nasakote ang isang hinihinalang drug den owner sa sting operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Iloilo.
Pinangalanan ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ang suspek na si Marfredo Acaso Jr., 43, na residente ng Balabag, Pavia, Iloilo.
Nadakip si Acaso sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA sa kanyang bahay sa Balabag bandang 4:30 ng hapon ng Marso 11 na nagresulta sa pagkakabuking ng drug den.
Nabawi mula sa suspek ang 10 plastic ng shabu, iba’t ibang drug paraphernalia at marked money na ginamit sa operasyon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 6 (Maintenance of a Drug Den), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II, ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest