Bulacan gov. pinagpapaliwanag sa pondo ng SEF
BULACAN , Philippines - Hiningan ng paliwanag ng Bulacan Alliance Against Graft and Corruption (BAAGAC) si Bulacan Gov. Willy Alvarado kaugnay sa napaulat sa mga pahayagan na aabot sa P10-milyon mula sa Special Education Fund (SEF) ang nagastos ng di-naaayon sa batas na naglikha nito. Nakiusap din ang BAAGAC kay Alvarado na ilahad sa taumbayan ang lahat ng dokumento tungkol sa napaulat sa mga pahayagan, gayundin ang mga papeles ng aktwal na kalagayan ng pondo ng lalawigan sa kasalukuyan. Ayon sa mga ulat, nakita ng Commission on Audit (COA) sa pagsusuri noong 2012 na ang P10 milyon ay naubos sa pamamagitan ng mga donasyon at tulong. Kabilang sa mga doÂnasyon ay tulong pinansyal sa mga may-sakit at pagpapalibing ng mga kapuspalad at mga donasyon sa mga non-government organizations (NGO) at mga pribadong samahan na hindi opisyal na kinikilala ng pamahalaang panlalawigan. Subalit ayon din sa ulat, malinaw sa batas na naglikha ng SEF na ito ay magagastos lamang sa mga pang-edukasyon na programa o aktibidad kaya dapat na linawin ito ni Gov. Alvarado sa aming mga taga-Bulacan.
- Latest