Mag-asawang trader itinumba
BULACAN , Philippines – Napaslang ang mag-asawang trader makaraang pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa naganap na panibagong karahasan sa Barangay Saluysoy, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot pa ng buhay matapos na isugod sa The Lords Hospital ang mga biktimang sina Charlie Aquino, 47; at Anna Trinidad, 43, kapwa nakatira sa Cadena De Amor Street sa nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ni PO2 Eric Ortua, lumilitaw na inaasikaso ng mag-asawa ang mga kostumer sa pag-aaring cafe restaurant nang lapitan at pagbabarilin si Anna.
Gayon pa man, nakipagbuno si Charlie sa gunman para agawin ang baril suÂbalit maging siya ay niratrat ng kasamang killer.
Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinisilip naman ang anggulong love triangle at negosyo ng mag-asawa.
- Latest