^

Probinsiya

Misis ni-rape slay ng adik

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - - Malagim ang sinapit na kapalaran ng isang mestisang misis na matapos gahasain ay pinaslang pa ng isang hinihinalang bangag sa droga sa loob ng inuupahan nitong apartment sa Brgy. Bancal, Meycauyan City kamakalawa ng umaga.

Arestado naman ang suspek na nahaharap sa kasong rape with homicide na si Jamar Lagidao, 20, vulcanizer, tubong San Fernando, Camarines Sur at pansamantalang nakatira sa Brgy. Malcahan ng lungsod.

Nagawa namang maisugod sa Meycauayan Doctors Hospital ang biktimang si Rosalinda Valleras, 30, tubong Valenzuela City pero idineklara na itong dead-on-arrival.

Sa imbestigasyon ni PO2 Fulgencio Moren, dakong alas-7 ng umaga nang madiskubre ang krimen matapos na dumalaw ang ina ng biktima sa inuupahang apartment ng kaniyang anak sa Unit 03, Odsmans Building sa nasabing lugar.

Ang biktima ay nakitang duguang nakahandusay sa kama na walang saplot sa katawan at nakita rin ang marka ng sakal sa leeg nito. Samantalang dinakip naman ang suspek matapos na may makapagturong ito ang nakitang nagmamadaling tumalilis mula sa apartment ng biktima ilang oras bago nadiskubre ang krimen.

vuukle comment

BRGY

CAMARINES SUR

FULGENCIO MOREN

JAMAR LAGIDAO

MEYCAUAYAN DOCTORS HOSPITAL

MEYCAUYAN CITY

ODSMANS BUILDING

ROSALINDA VALLERAS

SAN FERNANDO

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with