11 patay sa atake ng NPA rebs
MANILA, Philippines - Dalawang pulis, pitong sundalo at dalawang miÂyembro ng New People’s Army ang napaslang habang 10 naman ang suÂgatan sa magkahiwalay na pag-atake ng mga rebelde sa bayan ng Matanao, Davao del Sur kahapon.
Kabilang sa napatay ang dalawang pulis ay sina PO1 Manolo Booc at PO3 Danny Moalong habang sugatan naman sina P/Inspector Renato Uy, PO1 Sherwin Cadungog at si PO1 Gilbert Legaspi.
Ayon kay Captain Alberto Caber, Army’s regional spokesman, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang umatake ang mga rebelde sa himpilan ng Matanao PNP sa Brgy. Poblacion.
Nabatid na pawang nakasuot ng camouflage uniform ang mga rebelde na sinasabing pinamumunuan ni Joan “Ka Joan†Casmurin, lider ng Platoon ng NPA rebels sa nasabing lalawigan.
Sinabi ni Caber na ang mga rebelde ay lulan ng dalawang trak, isang jeepney at ilang motorsiklo na nagpaulan ng bala sa nasabing himpilan.
Nagawa namang makatangay ng mga rebelde ng pitong M-16 Armalite rifles at dalawang cal. 9mm pistol.
Samantala, bandang alas- 6:50 naman ng umaga, atakihin din ng grupo ng mga rebelde ang Dunganpekong detachment ng militar sa bayan ng Matanao kung saan nakasagupa ang tropa ng blocking troops ng 39th Infantry Battalion ng Phil. Army kung saan napatay ang dalawang NPA, ayon kay Army’s 10th Infantry Division spokesman Captain Ernest Carolina.
Gayon pa man, dakong alas-9 ng umaga nang paÂsabugan ng landmine ng NPA ang KM450 truck ng reinforcement troops ng 39th IB sa Sitio Lahad sa Barangay Asbang kung saan napatay ang pitong sundalo habang pito naman ang sugatan.
Kinilala ang mga napatay na sundalo na sina 2nd Lt. Ludovico Alejo, Sgt. Porras, Cpl. Pacionela, Cpl. Jihani, Pfc. Palma, Pvt. Dayahay, Pfc. Tanjilul.
Naisugod naman sa Digos Doctors Hospital and Medical Center ang mga sugatang sina Cpl. Sanayatin, Pfc. Lingco, Pfc. Abellana, Pfc. Alilaya, Pvt. Samano, Pfc. Pacquiao, Pfc. Parañal at si Pfc. Kancan.
Kasunod nito, siyam namang rebelde ang nasakote matapos makorner ng mga sundalo habang patuloy naman ang pagtugis sa grupo ng NPA.
- Latest