P5-M shabu nasamsam sa airport
MANILA, Philippines - Umiskor ang mga awtoridad kasunod ng pagkakasamsam ng P5-M halaga ng shabu sa isinagawang operasyon sa Zamboanga City International Airport nitong Biyernes.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, ang nasabing droga ay inilagay sa kahon ng cornstarch na nasa mga bagahe upang itago sa mga awtoridad na nadiskubre sa paliparan dakong alas-5:15 ng hapon.
Ayon kay Chief InsÂpector Ariel Huesca, Spokesman ng PRO 9, kasalukuyang iniinspekÂsyon ng mga security officer ng paliparan ang mga bagahe ng mapansin ang kakaibang laman ng kahon pagdaan nito sa x-ray machine.
Nang buksan ang laman ng kahon ng cornstarch ay dito na tumambad ang nakatagong methamÂphetamine hydrochloride o shabu na ang dami ay tinatayang aabot sa P5M halaga sa merkado.
Sinabi ni Huesca na ang nasabing shabu ay tumitimbang ng mahigit isang kilo na nakalagay sa LBC box galing kay Walter Aquino ng Caloocan City na dadalhin sa Bongao, Tawi-Tawi ang consignee ay si Dayang Askali.
Inihayag ng opisyal na ang nakumpiskang droga ay itinurnover na sa kustodya ng PDEA Region 9 Office para sa kaukulang disposisyon.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso.
- Latest